Monthly Archives: October 2010

3:40 AM

3:40.
3:40 AM
Hindi na ulit makatulog.
Bakit minsan kahit anong gusto nating matulog, hindi tayo makatulog. O hindi na tayo makabalik ng tulog. Gusto ng utak natin pero parang may kung anung elemento na nagnakaw nung antok. Minsan pagod na pagod na nga ang utak mo sa pambobola at pag-convince sa katawan mo na matulog naman pero wala pa rin. Buti pa yung lalaki, nakakabola ng chick. Pakshet. 
Sabi nila, pag hindi ka daw makatulog, may nag-iisip sa’yo. Eh pano naman kaming mga heart throb (syempre joke lang yung kami), mga crush ng bayan, mga idol… ano yun? Lagi silang puyat? Yung mga kriminal kaya? Pano kaya sila nakakatulog? Yung mga heartbroken? Yung mga in love? Ay, wag na pala yun. Erase erase. 
Yung mga antukin, mga masandal tulog, mga ipinanganak ng natutulog (oo meron nun, kapatid ko lalabas na lang natutulog pa)… problema rin kaya nila ang hindi makatulog? O baka iba ang problema nila. 
Tulog. Sabi nung iba, mas gusto daw nila matulog. Kasi pag tulog, may peace of mind, walang problema. Malayo sa magulong mundo. O siguro gusto lang nila yun kasi yun lang ang moment na mabait sila. Pag tulog. 
Tama nga naman. Tulog. Walang problema. Walang paki. Walang boss. Walang trabaho. Walang kaaway. Walang teacher. Walang pera. Walang cellphone. Walang Facebook. Walang Twitter. Pwera na lang syempre kung mapanaginipan mo silang lahat. 
Pero pansamantala lang yun. Kasi babalik at babalik ka sa realidad (pwera na lang kung hindi ka na pakawalan ng tulog). Babalik at babalik ka sa mga problema ng mundo. Babalikan mo ang trabaho mo, yung utang mo sa tindahan sa Hippodromo, yung mga bully sa school niyo, yung pinapapak mong Milo (wala lang, rhyming eh). Pero hindi naman puro problema ang mundo. Masarap pa rin mabuhay aminin mo. Kahit minsan umaarte ka kasi ang daming paandar ng mga tao sa paligid mo, mahirap pa rin iwan ang mundo. Lalo na kung wala pang murang transpo papuntang Mars. Hindi ka pwede mag-walk out. Mapapahiya ka lang. Pero kung sanay kang mapahiya, pwede na rin. 
Maging masaya. Hindi ka forever nandito. Wag mo nang intayin na taningan ka para lang maappreciate ang mundo. Minsan ganun eh no, parang tubig, titipirin pag pawala na. Parang ikaw, maaappreciate ka pag nagka-cancer ka, naaksidente, ang malala, pag wala ka na. Hindi naman dapat ganun. Dapat hindi tayo duwag mabuhay at sabihin kung sino ang mahalaga sa ‘tin. Dapat hindi tayo natatakot sa rejection. Dapat hindi tayo natatakot magkamali. Dapat hindi tayo natatakot gawin ang mga bagay na gusto natin. Wala namang award na “pinakaduwag.” Lalong walang reward na pera. Wag natin karirin. Dare to be great nga daw di ba. Gawin lahat ng kayang gawin habang may malay pa. Para pag natulog tayo, hindi tayo matatakot na hindi na magising. 

Leave a comment

Filed under Uncategorized