Monthly Archives: May 2012

Ang SIDEWALK. BOW

Uwian na. Uwian na. 

Habang naglalakad ako pauwi, may tatlong lalaki akong nasundan. Galing kami ng Annapolis St. sa San Juan. Pagdating sa EDSA, papuntang MRT Annapolis Station, ang normal na senaryo e ang mga naglalakad na tao sa sidewalk papuntang MRT Station. At dahil nga ito ang normal na senaryo, nilagyan ng “fence” ng MMDA ang sidewalk para hindi makalagpas sa sidewalk ang mga naglalakad at hindi makaabala sa mga sasakyan sa EDSA. Pero kanina, eto ang nakita ko. 

Ang EDSA, nabili na yata nila manong!


Astig. Tigas niyo. Kayo na.

Kaya pala nung malapit na sa sidewalk na may harang, aba, gumilid sila. Gumilid papuntang kalsada. Anlupet.
Sinalubong ang mga sasakyan sa EDSA. Yan ang disiplina. Kaya ang yaman ng Pinas e. Mayaman sa mga taong walang disiplina. Tsk.

Gaano nga ba kahirap sumunod? Mahal ba yun at hindi maafford ng mga ordinaryong mamamayan? Kung ganon man, bakit di rin maafford ng mayayaman? May overpass, pero tinatamad tawiran. May babala, hindi binabasa o iniintindi. May common sense, pero hindi ginagamit. Wag kasing magbasa. Wag magbasa lang. Intindihin. Makialam. 


Leave a comment

Filed under Uncategorized